Tributes for Life
P A U N A W A
Para po sa kaayusan at ikasisiya ng lahat sa darating na Oktubre 31 - Nobyembre 2, mangyari po lamang sundin ang mga sumusunod na panuntunan:
1. Ang pagpasok po ng mga sasakyan ay hanggang ika-1 ng hapon (1:00 pm) lamang o hanggang sa mapuno ang parking. Isasara po ang Main Entrance Gate sa mga oras na ito at muling bubuksan sa ika-7 nga gabi (7:00 pm).
2. Siguraduhin po na maayos ang pagkakapark ng inyong sasakyan. I-park po ito sa mga designated parking area. Iwasan po natin ang double parking para sa ikakaayos ng daloy ng trapiko.
3. Pinahihintulutan pong magtayo ng “temporary tent” at maglagay ng iba pang gamit na inyong kakailanganin simula sa ika-31 ng Oktubre. Siguraduhin po na ang ating tent ay sa ating nasasakupan lamang.
- Mangyari pong gumamit ng “candleholder” upang maiwasan ang pagkasunog ng damo sa puntod ng ating mga mahal sa buhay.
- Pinapayuhan po ang lahat na huwag mag-iwan ng mahahalagang bagay sa puntod. Hindi po pananagutan ng HOLY GARDENS ang anumang mawawala sa inyong nasasakupan.
- Pinapayuhan po ang mga magulang ng mga batang may edad na 12-pababa na mangyaring huwag hayaan ang kanilang mga anak nang walang bantay. Hindi po pananagutan ng HOLY GARDENS ang anumang aksidente na magaganap kaninuman, bata o matanda, sa loob ng parke lalo na po kung ito ay magmumula sa 3rd party.
- Maglalagay po ng “FIRST AID” ang HOLY GARDENS na matatagpuan sa information booth na nasa loob ng parke. Maaari din po kayong lumapit dito para sa inyong mga katanungan sa lokasyon ng puntod ng inyong mga mahal sa buhay o kaya ay kung may nais kayong malaman sa produkto at serbisyo ng HOLY GARDENS.
- Mangyari po lamang na ilagay ang inyong mga basura sa mga basurahang makikita sa iba’t ibang bahagi ng parke.
- Nais pong ipagbigay-alam ng pamunuan ng HOLY GARDENS na ang mga sumusunod ay ipinagbabawal sa loob ng parke:
- Pagdadala at pag-inom ng inuming nakalalasing
- Pagsusugal
- Pagdadala ng baril, armas o anumang bagay na nakakasakit o nakakamatay
- Pamimitas ng bulaklak o anumang uri ng halaman
- Pagtatanim at paglalagay ng boundary sa inyong mga puntod at pagtataas ng marker
- Pagkuha ng litrato o “video footage” ng design at landscaping para kopyahin nang walang pahintulot
- Pagdadala ng mga alagang hayop o “pets”
- Ang anumang uri ng pagtitinda at paglalako ay ipinagbabawal, maliban lamang sa Authorized Stalls na matatagpuan sa kanang bahagi ng entrance.
- Pinapayuhan po ang lahat na ang mga gamit na inyong inilagay o itinayo sa puntod ng inyong mga mahal sa buhay ay dapat pong tanggalin sa loob ng 48 oras pagkatapos ng Nobyembre 2.
- Ang lahat po ay inaanyayahan na dumalo at makilahok sa mga aktibidades na gaganapin sa loob ng parke sa ika-1 ng Nobyembre:
Ika- 9:00 ng umaga - Misa
Ika- 4:00 ng hapon - Games for Kids & Best Halloween Costume
Ika- 6:00 ng hapon - Games for Families (Pinoy Henyo Game)
Ika-7:00 ng hapon - Tributes presentation
- Nais din po naming ipaalam ang mga karagdagang serbisyo ng HOLY GARDENS MEMORIAL PARK at ito ay ang mga sumusunod:
- gravesite service & chapel service
- tribute sa huling gabi ng lamay
- FREE obituary and web sites facilities
like us on facebook; follow us on twitter; view us on flicker
- Para po sa iba pa ninyong mga katanungan sa aming mga produkto at serbisyo, maaari po kayong bumisita sa aming opisina sa Holy Gardens Greenhills Memorial Park Office in Brgy. Barandal, Calamba City o kaya ay tumawag sa telepono (049) 833-3296 o sa +63922-8440756.
*** Maraming Salamat ***
0 comments:
Post a Comment